Rico Blanco leaves Rivermaya.. Disbanded?
by Raymond Weil A. Ylagan, 06/02/07 5:17 AM
![]()
*February 23, 2007.. UST..
Nagkaroon ng fund raising concert tapos Rivermaya nun ang main event. Nakausap ko pa nun sila at tinanung ko kay Mike Elgar, “Kelan niyo po ba irerelease yung video ng Golden Boy?’ tapos sagot niya, “Ah ginagawa na namin siya..”.
*May 22, 2007.. Rico Blanco’s Multiply Blog.. (not to mention the i.d. na lang)
Walang alinlangang ipinaalam ni Rico Blanco sa mga tao ang isang balitang tila hindi inaasahan ng karamihan.. Copy-pasted from his blog:
“ISA MUNANG PATALASTAS…
Dear friends, i am no longer with the band and management of rivermaya. I have been with the group from the start, and after 14 great years, I am now quite excited about the chance to finally do other things with my life, pursue endeavors outside of the entertainment spotlight. This is a desire I have made known to my group as early as 2005 and have already postponed several times. I will surely miss the music and the fans and will always cherish the experience. I hope you will continue supporting the group and the whole of opm. My work is done. Thank you for all your incredible love and support..”
Weil’s Reaction..
Hindi ko talaga inaasahan yung pangyayari kasi para talagang imposible kung iisipin eh. Ika nga ni Angpao eh, “Banda ng Bayan eh!”. Para sa akin, napakalungkot ng paglisan ni Rico Blanco sa Rivermaya o ang pagkaka-disband nila. Ang banda kasing ito ang nagsimulang magimpluwensya sa’kin sa pagiging mapagtangkilik ng muskiang Rock. Third Year Highschool ako nun nung una akong bumili ng music cd at iyon ang “Himig Ng Dekada 90: Rivermaya Greatest Hits” na nagtataglay ng mga awitin nila noong kabilang pa sa kanilang banda sina Francisco “Bamboo” Manalac (Vocals), Perfecto “Perf” De Castro (Lead Guitars), at Nathan Azarcon (Bass).

At mula noon, nahumaling na ako sa mga awitin ng Rivermaya (mapalumang Rivermaya o yung bago man) at pati ang pagkahumaling ko na rin sa iba’t-ibang banda.
Sa pagkaka-disband ng Rivermaya, siguro ito ay isang senyales ng mga bagong artist dito sa ating bansa na hinihintay na para makilala at magbahagi ng kanilang musika tulad ng Rivermaya.
At kung sakali mang nababasa ito ng may kinalaman, sana dinggin ang aking kahilingan na muling bumalik ang Rivermaya sa industriya ng musika dito sa ating bansa.
At para sa kanilang lahat, nawa’y maisakatuparan nila kung ano ba talaga ang nararapat nilang gawin na talagang makabubuti sa kanila.
…Salamat, Rivermaya..